Saturday, May 23, 2015

Monsterating

Sinulat ko to hindi dahil sa nagpapapansin ako. Sinulat ko to hindi dahil sa nagdadrama na naman ako. Sinulat ko to hindi dahil sa gusto kitang awayin dahil yun ang madalas kong ginagawa lalo na kapag nageenjoy ka sa kasalukuyan. 

Pagkagising ko pa lang sinabi ko na sayo na masama pakiramdam ko pero ang sinabi mo lang matapos ang ilang minuto ay magchacharge ka muna at papatayin phone mo. Naisip ko na baka excited ka lang sa lakad niyo  kaya nagpeprepare ka na. Ni hindi mo kinamusta lagay ko. Oo nga, baka papansin lang ako.

Sabi mo kumakain na kayo. Sa kagustuhan kong wag kang maistorbo dahil sigurado akong nageenjoy ka sa mga oras na yun, sinabi ko na lang na magtext ka na lang kapag pauwi na kayo. Sabi ko pa enjoy. Umoo ka nang hindi man lang kinakamusta kung masama pa din pakiramdam ko. Oo nga, baka sarili ko lang iniisip ko.

Ilang oras kang hindi nagtext. Di ko yun inintindi dahil palagay ko ay nagkakasiyahan kayo ngunit nung mga oras na yun, hindi na ako makabangon sa kama dahil sa sama ng pakiramdam ko. Hilong hilo ako, namimilipit sa sakit, ultimo batok ko masakit. Hindi ko to sinabi sayo dahil ayokong alalahanin mo ako. Yun ay kung aalalahanin mo ako. Sigurado kasi akong masaya ka habang naghihirap ako. 

Sinabi mong nakauwi na kayo. Nagtext ka na ngunit di ako nagreply. Tinanong mo bakit di ako sumasagot, sinabi ko na lang na wala akong load pero ang totoo, hindi na kasi ako mapakali sa sama ng pakiramdam ko kaya pati pagtetext sayo di ko magawa. Hindi ka na sumagot pagkatapos. Alam ko na kung bakit. Iniisip mo kasi na aawayin na naman kita.

Hindi na din ako nagtext sayo kahit pinaloadan mo ako. Baka kasi maaway nga kita sa sobrang sama ng pakiramdam ko, na baka sayo ko mabuhos inis ko. Hindi ko na alam ano ng ginagawa mo sa mga oras na to pero sana nakapagpahinga ka na. Naalala ko kasi na ilang gabi ka nang nagsasabi na pupuntahan mo ako dito pero nauudlot. Noong isang gabi nangako ka na pupunta ka dito pero dahil napagod ka (maski ako) sa lakad natin, pumayag ako na kinabukasan na lang. Ito na yung gabing yun. Umaasa ako na sana dadating ka ngayon dito kasi gusto talaga kitang makita. Ikaw lang kasi nakakapagbawas ng sakit na nararamdam ko lalo nakapag meron ako. Kaya umaasa ako na nakapagpahinga ka na kasi di ko alam mararamdaman ko kapag pinagpaliban mo ulit to dahil pagod ka. 

May nabasa akong posts sa FB. Text ng magboyfriend. Yung babae parang ako. Overly attached/possessive/praning. Naisip ko na ang OA ko nga pala minsan. Napakawarfreak ko nga pala madalas. Kaya ngayon sinusulat ko to para dito ko na lang ilabas ang mga nararamdaman ko kesa maawa na naman kita at magkainisan pa tayo. Gusto ko na din kasi bawasan yung pagiging maldita ko sayo. Pero please naman, wag mo naman ako ganituhin. Everytime na may ginagawa kasama ang ibang tao maliban sakin o kapag wala ako, may tendency ka na naiignore mo ako. Gaya na lamang ngayon. Ni hindi ko nabasa sa text mo ang "Masama pa din po ba pakiramdam mo, Babe?" At hanggang ngayon, wala ka pa din dito. 

Sinulat ko to hindi dahil ayaw kitang makausap. Sinulat ko to hindi dahil sa galit ako. Sinulat ko to kasi ako lang naman nakakaintindi sa sarili ko. 

Tuesday, April 14, 2015

Hindi na ako makahinga

Ngayong araw na to'y nagmamadali ako papasok sa aking klase sapagkat tinanghali ako ng gising at ang sikip pa ng trapik sa kalsada. Habang naghihintay ako ng sunod na galaw ng aking sakay na jeep at siyang pagsakay ng bawat paseherong maaring makasama ko hanggang sa aking destinasyon, iniisip ko kung ano na nga ba ang mga lectures na ituturo ng aming propesora nang ako'y biglang nasamid. Sa pagkakaalam ko, magaling na ako mula sa 2 linggong ubo't sipon dahil sa pabago bagong klima. Ako'y umubo ng umubo hanggang sa ilang mata na sa loob ng jeep na sakay ko'y nakatingin na sa akin. Uminom ako ng tubig mula sa jug na dala ko sa pagaakalang mapapawi nito ang kati sa lalamunan ko ngunit patuloy pa din ang aking pagubo hanggang sa tila ba nanawa na ang aking lalamunan sa pangangati. Napatingin ako sa labas ng bintana, ang alam ko'y magaalas nuebe pa lang ngunit kapansin pansin ang pawang kadiliman sa kapaligiran. Noon ko napagtanto na ang "kadiliman" na nakikita ko ay dulot pala ng maiitim na usok na binubuga ng mga jeep na kasabay ng sakay kong jeep sa paghihintay magberde ng traffic light sa kanto. Napasinghap ako mula sa aking kinauupuan. Kinupkop ko ang aking ilong at bibig saking kanang kamay hanggang sa naalala kong ako pala'y may dalang panyo. Kinuha ko to, tinakip saking mukha at bagyang lumuwag ang aking paghinga kasabay ng pagluwag ng daloy sa kalsada't pagkakarerahan ng mga jeep sa aking paligid. Bumalik ang mga itim na usok. Mas tumindi at mas lumawak pa ang sakop nito. Muli akong napatakip ng aking mukha...

Muli akong suminghap singhap...

Nakalimutan ko na ang mga lectures na aking iniisip kanina habang tinitignan ang mga taong magsisakayan...

Hindi na ako makahinga.

Sunday, March 8, 2015

Can't Wait

I was supposed to review for my Biology exam and do a little practice exercises for my Accounting class but then when I'm browsing my Twitter account, I "bumped" into several photos of different countries. I am a Tourism major and I chose to be one because I love places! I want to travel, I want to experience different cultures, I want to see the whole world! However, I was born in a not-so-fortunate- family. I have classmates who already traveled abroad at their young age and until now even some of them are not yet working... But let me focus on my "dream of travelling the world", shall we? Haha.

So I have no means of going to Vietnam in a Friday morning then drift to Thailand after 5 days. When I saw that photo of campers in Mt. Kilimanjaro and that sunset shot in Paris, I was suddenly engrossed on this thought that soon, after I finish my college degree, I can finally travel the whole world. I imagined myself roaming around the narrow streets of Morocco, taking pictures of Norwegian fjords or visiting Buddhist temples in Cambodia. Oh, God! I don't dream of becoming a legendary person or even making a name in my chosen industry. I don't even dream of becoming so filthy rich, just rich (if there's a difference between them). I just want to travel the whole world with him, with my mom, with my entire family, with my closest friends or just me- nope, not just me. That's lonesome. Haha.

Then I came to my proclamataion, self-proclamation! I swear to God and to all the other forces of the world created by Him, I'm gonna work my ass so hard, I'm gonna save a lot of money so that by the age of 24, 4 years from now, I can finally start to cross out countries in my bucket list. Sure I can travel abroad while I'm still studying like youth camps or exchange student programs, but what I want is for me to travel "freely". I want to be an explorer, I want to be a backpacker, I want to drift from one country to another, I want to be alive.

I can't wait to take photos of these places that I want to visit. I can't wait to see the smiles in my family's faces when we land into an alien country, I can't wait to kiss him outside this country. Yes, I am a wanderlust.

That's my goal - for now.