Ngayong araw na to'y nagmamadali ako papasok sa aking klase sapagkat tinanghali ako ng gising at ang sikip pa ng trapik sa kalsada. Habang naghihintay ako ng sunod na galaw ng aking sakay na jeep at siyang pagsakay ng bawat paseherong maaring makasama ko hanggang sa aking destinasyon, iniisip ko kung ano na nga ba ang mga lectures na ituturo ng aming propesora nang ako'y biglang nasamid. Sa pagkakaalam ko, magaling na ako mula sa 2 linggong ubo't sipon dahil sa pabago bagong klima. Ako'y umubo ng umubo hanggang sa ilang mata na sa loob ng jeep na sakay ko'y nakatingin na sa akin. Uminom ako ng tubig mula sa jug na dala ko sa pagaakalang mapapawi nito ang kati sa lalamunan ko ngunit patuloy pa din ang aking pagubo hanggang sa tila ba nanawa na ang aking lalamunan sa pangangati. Napatingin ako sa labas ng bintana, ang alam ko'y magaalas nuebe pa lang ngunit kapansin pansin ang pawang kadiliman sa kapaligiran. Noon ko napagtanto na ang "kadiliman" na nakikita ko ay dulot pala ng maiitim na usok na binubuga ng mga jeep na kasabay ng sakay kong jeep sa paghihintay magberde ng traffic light sa kanto. Napasinghap ako mula sa aking kinauupuan. Kinupkop ko ang aking ilong at bibig saking kanang kamay hanggang sa naalala kong ako pala'y may dalang panyo. Kinuha ko to, tinakip saking mukha at bagyang lumuwag ang aking paghinga kasabay ng pagluwag ng daloy sa kalsada't pagkakarerahan ng mga jeep sa aking paligid. Bumalik ang mga itim na usok. Mas tumindi at mas lumawak pa ang sakop nito. Muli akong napatakip ng aking mukha...
Muli akong suminghap singhap...
Nakalimutan ko na ang mga lectures na aking iniisip kanina habang tinitignan ang mga taong magsisakayan...
Hindi na ako makahinga.
No comments:
Post a Comment